Ginang na negosyante, itinumba
September 25, 2014 | 12:00am
MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang may-ari ng Lady Boss KTV bar na si Maria Luz Lastimoso, 33 ng nag-iisang gunman kahapon ng alas-2:30 ng madaling-araw sa San Juan City.
Nabatid na nagpapahangin ang biktima sa kanyang KTV bar na makikita sa F. Blumentrit St., nang dumating ang suspek na nagkunwaring bibili ng sigarilyo at walang kaabog-abog na binaril ang biktima sa ulo.
Tumakas ang suspek sakay ng isang kulay silver na kotse na hindi naplakahan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended