‘Mario’ naminsala ng mahigit P1 bilyon
MANILA, Philippines - Mahigit P1bilyon ang pinsalang iniwan ng bagyong Mario sa agrikultura at imprastraktura sa Central Luzon at Ilocos Region nitong nakalipas na linggo.
Sa report ni Office of Civil Defense (OCD) Central Luzon Director Josefina Timoteo sa lalawigan lamang ng Tarlac at Bulacan ay naitala na sa P600.38 M ang pinsala ng bagyo.
Naitala naman sa 75,612 pamilya o kabuuang 375,8113 katao ang naapektuhan ng bagyo sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales. Sa nasabing bilang nasa 2,158 pamilya o 8,245 katao ang nasa 55 evacuation centers.
Pinakamalaki sa napinsala ay sa sektor ng agrikultura na nakapagtala ng P 481.57 M.
Iniulat naman ni Melchito Castro, Director ng OCD-Ilocos Region sa inisyal na assesment sa pinsala ng agrikultura at imprastraktura sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan ay umabot sa P599.74 M.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ay hindi pa updated dahilan nasa P31.85 M pa lamang ang nairerekord na napinsala sa agrikultura sa Cordillera Administrative Region habang P.25 M naman sa imprastraktura sa Metro Manila at nasa 12 katao ang nasawi.
- Latest