^

Police Metro

8 Pulis-Maynila sibak sa hulidap

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa reklamo ng pangongotong ay sinibak sa puwesto ang hepe ng Manila Police District (MPD)-Anti-Carnapping and Hijacking Unit at 7 nitong tauhan.

Bukod sa pagsibak sa walong pulis ay ipinaaresto rin ni Manila Police District (MPD) Director, Chief Supt. Rolando Asuncion   ang  mga suspek na sina P/Sr. Insp. Rommel Geneb­lazo; at mga tauhan na sina SPO1’s Michael Dingding, Gerry Rivera, Jay-An Pertubos, Jonathan Moreno, PO2s Renato Ochinang at Marvin dela Cruz.

Ang pagsibak sa walong pulis ay batay sa reklamo ng negosyanteng si Kamran Khan Dawood, Pakistani national, 39, ng 2000  Annapolis  St. San Juan City.

Sa salaysay ng biktima na noong Setyembre 19, dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa harap  ng Manila Pavillon sa Ermita, Maynila  ay hinuli ng mga suspek si Dawood dahil sa umano’y  pagkakasangkot  nito sa carnapping.

Ibinebenta umano ng biktima ang apat na sasakyan kabilang ang tatlong Toyota Camry at isang Mazda 523.

Dinala ang biktima kasama ang  lima pang kaibigan sa opisina ng ANCAR na umano ay  tinakot at hiningan ng mga pulis ng  P300,000   hanggang sa magkasundo sa halagang P100,000.

Sa kabila ng pagbibigay ng P100,000 ay  pinigil pa rin ng mga pulis ang kulay itim na Toyota Camry na may plakang XPN-274 dahil kinakailangan pa itong beripikahin.

Ikinuwento ng  biktima ang sinapit niya sa kamay ng mga pulis sa kanyang kaibigan na pulis-Crame na siyang tumulong sa kanya na makapagreklamo sa MPD-GAS.
Positibo namang kinilala ng biktima ang mga pulis na nangotong sa kanya.

Naniniwala si Asuncion na posibleng matagal nang ginagawa ito ng mga pulis, subalit ngayon lamang may  naglakas ng loob  na magreklamo.

Sasampahan ng kasong robbery extortion ang mga pulis na sangkot.

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING UNIT

CHIEF SUPT

GERRY RIVERA

JAY-AN PERTUBOS

JONATHAN MORENO

MANILA POLICE DISTRICT

PULIS

TOYOTA CAMRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with