PNP nagkontra demanda sa nagkaso kay Purisima
MANILA, Philippines - Binuweltahan ng Philippine National Police (PNP) ang grupong nasa likod ng pagsasampa ng kaso kay PNP Chief Director General Alan Purisima kaugnay ng umano’y mga tagong yaman nito.
Katulad ng inaasahan, idinipensa ni PNP Public Information Office Chief Reuben Theodore Sindac si Purisima kahapon sa isang pulong balitaan.
“This is definitely actions aimed at destroying or maligning the chief PNP.”
Paniwala ni Sindac, itinaon ang paglalabas ng mga akusasyon kung kailan nasa ibang bansa si Purisima.
“Parang ganun ang nangyari kasi this is a scheduled visit, scheduled meeting. This was brought out while he is out of the country and unable to defend himself if he chose to.”
Magugunita na noong Lunes, Setyembre 22 nang kasuhan ng plunder ng Coalition of Filipino Consumers ang PNP chief.
Tiniyak ni Sindac, nananatiling nakasuporta ang buong PNP sa kanilang pinuno.
“Pinag-aaralan po namin ang legal options na pwede naming gawin at isa ‘yun siyempre ‘yung filing of counter charges doon sa mga nagsasampa ng mga kaso.”
Idinipensa rin ni Sindac si Purisima sa nasilip na paglabag ni Civil Service Commission (CSC) Chair Francisco Duque kaugnay ng hindi detalyadong kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) nito.
- Latest