^

Police Metro

Imbestigasyon sa Malampaya fund scam muling naudlot

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na naman matutuloy ang imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiyal na Malampaya fund scam na itinakda ng Se­nate Blue Ribbon Committee sa Setyembre 25.

Ayon kay committee chairman Sen. Teofisto Guingona III, na ipinagpaliban nila ang imbestigasyon dahil sumulat si Commission on Audit (COA) chairperson Grace Pulido-Tan sa kanyang tanggapan na hindi makakadalo sa nabanggit na araw ng pagdinig dahil nataon ito sa kanyang leave habang nasa official mission si COA special audit chief Susan Garcia.
Nilinaw naman ni Guin­gona na walang kinalaman ang pagpaliban ng pagdinig sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel sa kontrobersiyal na isyu ng korapsyon sa Makati City na kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay.

Sangkot sa Malampaya fund scam ang umano’y bogus na NGOs ni Janet Lim-Napoles.

 

vuukle comment

BLUE RIBBON COMMITTEE

GRACE PULIDO-TAN

JANET LIM-NAPOLES

KOKO PIMENTEL

MAKATI CITY

MALAMPAYA

SENATE BLUE RIBBON

SUSAN GARCIA

TEOFISTO GUINGONA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with