Delegasyon ni P-Noy nasa US na
MANILA, Philippines - Lumapag ang delegasyon ni Pangulong Noynoy Aquino dakong alas 8:30 sa Boston Logan International Airport oras sa Amerika mula Berlin, Germany para sa kanyang 5-day working visit sa Estados Unidos.
Sinalubong sila ni Philippine Ambassador to the US Jose Cuisia Jr., at Permanent Representative to the United Nations Ambassador Libran Cabactulan.
Ito na ang kauna-unahang pagbalik ni Aquino sa Boston mula taong 1983 kung saan nanirahan ang kanilang pamilya nang lumisan ng Pilipinas ang ama na si dating Sen. Ninoy Aquino mula 1980 hanggang 1983.
Balak din ng Pangulo na bisitahin ang 175 Commonwealth Avenue, Chestnut Hill, ang lugar na tinirahan ng kanilang pamilya.
Kabilang sa haharapin ng punong ehikutibo ang malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya, talumpati sa Boston College at pakikipagkita sa Filipino-American community.
- Latest