^

Police Metro

Pumalag sa aresto... Drug pusher lasog sa granada

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko ang isang notor­yus na drug pu­sher sa mga pulis na magsisilbi ng warrant of arrest ay nanlaban ito sa pamamagitan ng paghagis ng granada, subalit bago pa man niya ito maipukol ay sumabog na ito na naging dahilan ng kanyang kamatayan na naganap kamakalawa ng gabi sa Cagayan De Oro City.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Jamail Macarampat ng Brgy. Bulua ng lungsod na ito.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagsabog ng granada dakong alas-7:00 ng gabi ay tinungo ng mga arresting officers na may dalang warrant of arrest laban sa suspek sa nasabing lugar.

Gayunman, hindi pa nakakalapit ang mga pulis ay nanlaban si Maca­rampat na agad naghagis ng granada na nabigo namang sumabog at pinaputukan pa ng cal. 45 pistol na dala nito ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga ope­ratiba, subalit muling maghahagis sana ng ikalawang granada at bago niya maihagis ang sumabog na ito sa kanyang katawan.

Naputulan ng kaliwang kamay at halos nalasog ang katawan ng suspek bukod pa sa tina­mo nitong mga tama ng bala sa katawan.

Nasugatan naman sa pakikipagpalitan ng putok ang mga pulis na sina Chief Inspector Alfredo Ortiz Jr., hepe ng Anti Illegal Drug Task Force; Inspector Ramsey Cartagena at PO3 Ane­cito Bentuzal ng Public Safety Battalion na nasa mabuti ng kondisyon matapos na isugod sa Polymedic Hospital sa lungsod.

Narekober sa pi­nangyarihan ng insidente ang cal. 45 pistol at isa pang granada na nabi­gong sumabog.

CAGAYAN DE ORO CITY

CHIEF INSPECTOR ALFREDO ORTIZ JR.

DRUG TASK FORCE

INSPECTOR RAMSEY CARTAGENA

JAMAIL MACARAMPAT

POLYMEDIC HOSPITAL

PUBLIC SAFETY BATTALION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with