11 Lugar sa Luzon signal No. 3
MANILA, Philippines - Sa patuloy na paglakas ng bagyong Luis na patungo sa Cagayan-Isabela ay isinailalim sa Storm Signal No.3 ang 11 lugar sa Luzon kahapon.
Ang 11 lugar na isinailalim sa signal no.3 ay ang Cagayan, Babuyan at Calayan Islands, Apayao, Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Isabela, Mountain Province, Ilocos Sur, Ifugao, Northern Aurora, at Quirino.
Habang Signal No. 2 naman ang Batanes, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, at kabuuan ng Aurora.
Signal No. 1 naman sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Quezon, at Polillo Island.
Bagama’t bumaba na ang signal ng bagyo sa Catanduanes, patuloy na pinatutupad ang gale warning dito.
Binalaan din ng kagawaran ang mga residente sa mga mababang lugar at nasa mga paanan ng mga bundok na nasa ilalim ng storm signal laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ang lakas ng hanging dala ni Luis ay maaring makapagpatangay sa maliliit na sasakyan o tao kung kaya’t pinag-iingat ang publiko.
Si Luis ay tinatayang nasa 213 km sa silangang bahagi ng Casiguran, Aurora na may taglay na lakas ng hangin na 130 kada oras malapit sa gitna at bugsong 160 kph.
- Latest