^

Police Metro

Kontratista inamin na sadyang ikinulong sa elevator ng Makati City Hall

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sa pagharap kahapon sa Senado ni Marcial Lichauco Jr., pangulo ng 911 Alarm ay ibinunyag nito na sadya siyang ikinulong sa elevator ng Makati City Hall noong 2007 ng isang oras para hindi makasali sa umano’y nilutong bidding para sa fire fighting at rescue equipment.

Bagama’t nakaabot kay Vice President Jejomar Binay ang insidente ay wala umano itong ginawa para ipatigil ang nilutong bidding kahit na alam na nito na may anomalyang nangyari.?

Sa naging pahayag ni Lichauco ay pinatotohanan nito ang naunang testimonya ni Engr. Mario Hechanova na sadya siyang ikinulong sa elevator ng Makati City Hall para hindi umabot sa itinakdang oras ng bidding para sa fire-fighting at rescue equipment noong Mayo 15, 2007.?

Sa testimonya kamakailan ni Hechanova, dating Vice Chairman ng Makati Bid and Awards Committee (BAC) na sinadya ang pagkulong kay Lichauco dahil may kontraktor nang napili ang pamilya Binay para sa nasabing proyekto.

 

BAGAMA

BINAY

HECHANOVA

LICHAUCO

MAKATI BID AND AWARDS COMMITTEE

MAKATI CITY HALL

MARCIAL LICHAUCO JR.

MARIO HECHANOVA

PARA

VICE CHAIRMAN

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with