Lady solon hiniling na iliban ang desisyon sa HRET
MANILA, Philippines - “Ipagpaliban muna ang paglalabas ng mga desisyon”.
Ito ang hihilingin ng kampo ni ni Marinduque Congw. Gina Reyes sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) kaugnay sa kanyang electoral case.
Maghahain ngayong araw si Atty. Harry Roque, abogado ni Reyes, ng mosyon
sa HRET para hilingin na suspendihin muna ang proceedings sa nasabing kaso dahil wala pa umano silang natatanggap na kopya ng desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa apela ni Reyes na palitan sina Justice Presbitero Velasco bilang HRET chairman at mga miyembro na mahistrado rin ng SC.
Ngayong araw ay inaasahang magbobotohan ang HRET sa kaso ni Reyes kaya
naman nangangamba ang kongresista sa maaaring kahinatnan ng kanyang
kaso at hindi umano makakuha ng patas na trato.
- Latest