P5-M shabu nasamsam sa remittance center
MANILA, Philippines - Hindi nakalusot sa mga otoridad ang isang kilo ng shabu na nakabalot sa carbon paper na nakalagay sa dalawang kahon ng gatas na nakumpiska sa isang remittance center kamakalawa ng gabi sa Ozamis City, Misamis Occidental.
Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang makumpiska ng mga otoridad ang nasabing shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon sa isang kilalang remittance center.
Natukoy na isang nagngangalang Ronnie Lugod ng Quezon City ang nagpadala ng package sa isang babaeng nagngangalang Cristina dela Cruz na residente ng Ozamis City na hindi sumipot sa naturang remittance center na pinaniniwalaang nakatunog sa operasyon ng mga otoridad.
- Latest