^

Police Metro

Krimen ginagawang money making ng mga pulis - VACC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang nagbago at tila ba nauulit ang “routine” na pagtaas na krimen at ginagawa na lamang umanong money making  ang  krimen  lalo pa’t papalapit ang  Pasko.

Ito ang tahasang sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman at President Dante Jimenez at magulo na  anya ang bansa bunsod ng  “breakdown of peace and order”.

Ayon kay Jimenez, 24 taon na ang kanyang kampanya kontra krimen, at ngayon lamang niya  nakitang walang pagbabago sa sitwasyon sa paglaban sa krimen at sa halip ay mas lalo pang paglala.
Nakalulungkot anyang makita sa mga ulat na maraming krimen ngayon na pulis pa ang suspek. 
Kabilang na rito ang kaso ng pamamaril ng  pulis  sa race car champ na si Enzo Pastor bukod pa sa pagkakasangkot ng pulis sa Lingayen, Pangasinan na sa nakuha nilang impormasyon ay nagiging “haven” na ng drug lords, assassin, at mga nagpapautang at ang bago ay 9 na pulis ang nangidnap sa EDSA na pawang mga miyembro ng QCPD- La Loma Station 1.

Ang malala pa anya ngayon, nagagamit na sa pulitika ang pulisya at ang kampanya kontra kriminalidad. Kinakasangkapan anya ang pulisya para sa “pagpapapogi” ng imahe ng ilang pulitiko.
Naniniwala si Jimenez ito’y dahil na rin sa palpak na pamamalakad ng pamunuan ng  Department on Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).

AYON

ENZO PASTOR

JIMENEZ

LA LOMA STATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT DANTE JIMENEZ

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with