^

Police Metro

3 karnaper tiklo sa dalawang karnap na sasakyan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang tatlong katao na responsable sa pagkarnap ng isang van at SUV kamakailan sa Quezon City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Joel Pagsibilan, 36, ng Bagong Barrio Caloocan City; Faustino Arceo, alyas Jun, 34; at Caroline Isabelo, alyas Len, 25; pawang mga residente ng Teachers Village, Brgy. Balong Bato sa lungsod.

Nabatid na ang tatlo ay siyang tumangay ng kulay puting Nissan Urvan na may conduction sticker no. LE-7705 na pag-aari ng mag-asawang SPO1 Isagani Santiago ng QCPD-Station 4 at misis nitong si Marinor, 35, negosyante.

Habang ang isang Isuzu Crosswind (WIM-183) na kulay midnight blue na tinangay din ng mga ito ay pag-aari ni Ryan Asuncion, Gen. Tinio St., Caloocan City.

Nabatid na habang nakaparada sa harap ng bahay ng mag-asawang Santiago sa Brgy. Bagong Pagasa, sa pagitan ng alas-6:30 ng gabi nitong September 2 hanggang alas-6:00 ng umaga ng September 3, 2014 ng ito ay tangayin.

Naaresto ang mga suspek sa may bisinidad ng Brgy. Balong Bato, malapit sa Francisco Elementary School, ganap na alas-8:00 ng gabi ng Miyerkules.

Bago ito nakatanggap ng impormasyon si SPO1 Santiago hingil sa kanilang sasakyan na naispatan sa may Brgy. Balong Bato, kaya’t bumuo ng tropa si Supt. Norberto Babagay at nagmanman sa nasabing lugar.

Habang nagmamanman ay naispatan ng tropa ang Nissan Urvan na minamaneho ni Pagsibilan kabuntot ang isang Isuzu Crosswind, na kulay midnight blue (WIM-183) na minamaneho ni Arceo sakay si Isabelo.

Agad na nakilala ni SPO1 Santiago ang kanilang sasakyan dahilan para agad nila itong parahin at nang hanapan ng dokumento ay walang maipakita ang mga suspek kaya’t inaresto.

Narekober kay Pagsibilan sa kanyang  black belt bag ang isang fragmentation hand granade; dalawang piraso ng fliers, tatlong piraso ng chisel at iba’t-ibang klase ng susi.

Habang kay Arceo ay ang isang paltik na baril at isang bala ng 12 gauge shotgun.

Nabatid na ang Isuzu Crosswind na pag-aari ni Asuncion ay kinarnap ng mga suspek noong Agosto 29, 2014 habang nakaparada sa may harap ng bahay nito sa Gen. Tinio St., Caloocan City.

Ipinagharap na ng kasong paglabag sa Republic Act 6539 (anti carnapping law), presidential 1866 (Illegal possesion of explosives) at PD 1612 (anti fencing law) ang mga suspek.

ARCEO

BALONG BATO

BRGY

CALOOCAN CITY

HABANG

ISUZU CROSSWIND

NABATID

NISSAN URVAN

TINIO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with