^

Police Metro

40 sugatan... bus nahulog sa bangin: 3 patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong lalaki habang nasa 40 iba pa ang sugatan nang  mahulog ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa may 100 talampakang lalim ng ba­ngin sa Zigzag Road ng Pagbilao, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Wala pang nakukuha na pagkakakilanlan sa tatlong lalaki na nasawi dahil walang nakuhang anumang identification sa mga ito.

Isinugod naman sa magkakahiwalay na pagamutan sa Pagbilao at Lucena City ang 39 pasaherong sugatan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling-araw sa may New Zigzag Road, Sitio Upper Sapinit, Brgy. Silangan Malicboy, Pagbilao ay sakay ang mga biktima ng  Raymond bus na ga­ling Masbate, patungong Maynila.

Bigla na lamang umanong nawalan ng preno ang bus pagsapit sa pa­kurbang daan kaya hindi na ito makontrol at dumiretso sa bangin na may lalim na 100 talampakan.

vuukle comment

BATAY

BIGLA

BRGY

LUCENA CITY

NEW ZIGZAG ROAD

PAGBILAO

SILANGAN MALICBOY

SITIO UPPER SAPINIT

ZIGZAG ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with