MVP tatakbong bise sa 2016?
MANILA, Philippines – Kinukunsidera ni Vice President Jejomar Binay si communications and media tycoon Manuel V. Pangilingan (MVP) na maging runningmate sa darating na 2016 elections
Ayon kay VP Binay, nais nitong maging ka-tandem si MVP dahil na rin sa track record ng negosyante at malaki ang kanyang paniwalang malaki ang maitutulong nito sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Malamig naman ang pagtanggap ni MVP sa pagpili sa kanya na sumabak sa 2016 elections.
Inihayag ni Binay na noong nakaraang buwan nagkausap sila ni MVP, subalit wala naman itong naging tugon sa kaniyang mungkahi.
Si Pangilinan ang chief executive ng Hong Kong-listed First Pacific na nagmamay-ari ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), TV-5, Manila Electric Co.(Meralco) at chairman ng Philex Mining Corporation at ng Star Group of Publications.
Ang dahilan anya kung bakit nais ni Binay si Pangilinan na maging katandem ay dahil ayaw niya ng isang pulitiko na kaniyang maging runningmate sa 2016 presidential elections.
Ayon naman kay PCOO Sec.Herminio Coloma Jr., iginagalang nila ang naging pahayag ng pangalawang pangulo at wala umano itong problema.
- Latest