AFP tigil muna sa pagpapadala ng peacekeepers sa Liberia
MANILA, Philippines - Pansamantalang ititigil muna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapadala ng mga peacekeepers sa bansang Liberia na kabilang sa dumaranas ng matinding outbreak ng nakamamatay na sakit na Ebola virus.
Sinabi ni AFP Spokesman Major Domingo Tutaan Jr., hangga’t hindi Ebola free ang nasabing bansa ay hindi muna magpapadala ang AFP ng mga peacekeepers doon.
Ang Liberia ay kabilang sa tatlong bansa sa West Africa na tinamaan ng Ebola virus outbreak kung saan nasa mahigit 2,000 katao na ang nasasawi. Ang dalawang iba pa ay ang Sierra Leone at Guinea.
Nasa 115 ang AFP peacekeepers sa Liberia na nagtapos na ng tour of duty sa nasabing bansa nitong nakalipas na Agosto.
- Latest