^

Police Metro

Konduktor ng bus patay sa snatcher

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Daniel Angeles, 31, may-asawa, conductor ng Five Star Bus Corporation nang saksakin ng isa sa dalawang snatcher na nagpapanggap na barker matapos tulungan nito ang isang pasaherong babae na hinablutan ng mga suspek ng kuwintas kamakalawa sa Pasay City.

Ang dalawang suspek na nakatakas ay kinilala sa police photo gallery na sina  Louie Lim,  34, binata  at Benjie Tengco, nasa hustong gulang, kapwa nakatira sa #152 Apelo Cruz St. Malibay, Pasay City.

 Sa ulat, alas-2:15 ng hapon  sa harap ng isang  convenience store sa kahabaan ng EDSA Avenue ng lungsod ay nakasakay ang biktima  sa isang Five Star Bus na may rutang Pangasinan matapos manggaling sa kanilang terminal sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Habang binabagtas  nila ang kahabaan ng EDSA Avenue, Pasay City ay pinara sila ng isang pasaherong babae na hindi na binanggit ang pangalan at kaagad  naman bumaba ang biktima upang tulungang buhatin ang mga bagahe nito.

Subalit, nang paakyat na ng bus ang babae ay big­lang lumapit ang  mga suspek at sabay na hinablot ang suot na gintong kuwintas.

Nakita ito ng biktima kung kaya’t ibinato nito sa isa sa suspek ang bagaheng hawak na tinamaan at bumagsak sa kalsada.

 Ang isang suspek  naman ay binunot ang patalim mula sa kanyang bewang at sinaksak ang biktima.

Duguang bumulagta ang biktima at mabilis naman tumakas ang mga suspek  bitbit ang ginamit na patalim at ang hinablot na kuwintas na pag-aari ng pasaherong babae.

 

APELO CRUZ ST. MALIBAY

AURORA BOULEVARD

BENJIE TENGCO

DANIEL ANGELES

FIVE STAR BUS

FIVE STAR BUS CORPORATION

LOUIE LIM

PASAY CITY

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with