^

Police Metro

2x binaril sa ulo... Misis utas sa lover na Pulis

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Dead-on-the-spot ang isang 28-an­yos na ginang matapos itong barilin ng dalawang beses sa ulo at katawan ng kanyang lover na pulis, naganap kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Ana Nerrisa  Lee, ng #1009 Aratelis  St., Durian Extension, Barangay  CAA ng nasabing lungsod.

Tumakas naman ang suspek na si PO2 Voltaire “Bong” Guerrero, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Regional Police Holding Center ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa imbestigasyon ni  PO2 Al Shahriff A. Uy, ng Station Investigation Division (SIDMB), bago naganap ang insidente dakong alas-7:25 ng gabi  sa loob ng bahay na inuupahan ng mag-live-in sa #1009 Aratelis St., ng nasabing lungsod ay nagkaroon umano ang dalawa nang mainitang pagtatalo.

Sa pahayag ng  testigong si Jhon Vergel  Muhammad, 15, anak ng may-ari ng inuupahan bahay ng biktima at suspek  na  kasalukuyan siyang nasa ibaba ng bahay nang marinig nitong nagtatalo ang dalawa.

Narinig lamang niyang pinagmumura umano ng biktima ang suspek at kasunod ay pagdampot ng bote na ibinato sa suspek.

Dito ay narinig niyang nagalit ang suspek  at kasunod ay pagputok ng mga baril.

Nakita ng testigo ang pagtakas ng suspek matapos ang pamamaril.

Nakarekober  ng mga pulis sa lugar ng insidente ang  dalawang basyo ng .9mm pistol na posibleng ginamit ng suspek sa pagpatay.

 

AL SHAHRIFF A

ANA NERRISA

ARATELIS ST.

CAMP BAGONG DIWA

DURIAN EXTENSION

JHON VERGEL

LAS PI

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

REGIONAL POLICE HOLDING CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with