^

Police Metro

2 LPA magdudulot ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakapasok na sa Philiipine Area of Responsibility (PAR) ang dalawang low pressure area o namumuong sama ng panahon na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA) na nagpapaulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa ulat ng weather bureau, ang isang LPA ay nasa layong 530 kilometro sa kanlurang bahagi ng Ambulong, Batangas na magdadala ng katamtamang pag-ulan at pagkulog sa buong Palawan at Western Visayas. 

Habang ang isa pang LPA ay namataan sa layong 1,450 km sa silangang bahagi ng Min­danao. Magdadala ito ng bahagya at katamtamang pag-ulan at pagkulog sa buong rehiyon ng Caraga, Davao at Northern Mindanao. 

Kaya naman pinaaalalahanan ng ahensiya ang mga residente at local disaster risk reduction management councils sa mga naturang lugar na maging alerto at gawin ang nararapat na kahandaan at imonitor ang anumang updates sa mga naturang sama ng panahon.

 

AMBULONG

BATANGAS

CARAGA

DAVAO

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMI

NORTHERN MINDANAO

PHILIIPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with