^

Police Metro

Senior citizen bibigyan ng 20% discounts sa terminal fees

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang panukalang batas ang isinusulong ng isang mambabatas sa pagbibigay ng 20 porsiyentong diskwento sa terminal fees para sa mga senior citizens.

Ayon kay Bacolod City Rep. Evelio Leonardio, dapat hindi maging masyadong magastos ang pagbisita ng mga senior citizens sa mga tourist spots tulad ng Boracay sa Aklan, Chocolate Hills sa Bohol o Mayon Volcano sa Albay.
Sa ilalim ng House Bill 4697 aamyendahan  nito ang Section 4 (a) ng Republic Act No. 7432, o “Expanded Senior Citizens Act of 2010.”

Nakasaad sa nasabing batas, na ang mga senior citizens ay bibigyan ng 20% diskuwento sa booking transportation fare sa mga domestic air transport services at barko, subalit hindi kasama ang passenger terminal fees.

Ayon sa mambabatas, makakatulong sa mga senior citizens ang pagsama sa listahan ng discounted fees para sa senior citizens ang pagbabayad ng passenger terminal fees.

 

AKLAN

ALBAY

AYON

BACOLOD CITY REP

CHOCOLATE HILLS

EVELIO LEONARDIO

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

HOUSE BILL

MAYON VOLCANO

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with