2 lalaki dedo sa pamamaril sa QC
MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang naiulat na nasawi sa pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.
Ang unang nasawi ay kinilalang si Roberto Malubay, 35, ng Block 10, Lot 2, Bernadeth St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik na natagpuang duguang nakahandusay sa kahabaan ng Sampaguita St., dakong alas-11:00 ng gabi at itinakbo ito sa ospital, subalit nalagutan ng hininga dakong alas-3:45 ng madaling-araw.
Natagpuang patay kahapon ng alas-7:30 ng umaga sa loob ng isang compound sa Foresthill Drive, Foresthill Subdivision, Brgy. Gulod, Novaliches ang isang lalaki na inilarawan na ang edad ay nasa pagitan ng 25-35, may taas na 5’4”, nakasuot ng itim na jacket, at kupas na maong, may mga tattoo sa dibdib ng Isabel, Jayssie, at Fatima.
Narekober sa lugar ang apat na basyo at ng kalibre 45 baril na ginamit sa nasabing krimen.
- Latest