Suspensyon kay Jinggoy, tuloy
MANILA, Philippines - Kaugnay ng kasong plunder at graft may kinalaman sa pork barrel scam ay pinagtibay na ng Sandiganbayan Fifth Division ang naunang desisyon nito na suspendihin ng 90 araw si Senador Jinggoy Estrada.
Ito ay makaraang tanggihan ng graft court ang naisampang motion for reconsideration ng kampo ni Estrada dahil sa kakulangan ng merito.
Matapos mabusisi ng husto ang mga records at mga dokumento at iba pang mga ebidensiya ng graft court na naisumite sa kanila ay nakakita sila ng probable cause sa kaso, balido at malaman ang mga impormasyon na naisumite ng Ombudsman.
Niliwanag din ng graft court na walang basehan ang mga ulat na makakaapekto kay Estrada ang pagsuspinde rito ng Sandiganbayan para sa pangangalaga sa mga constituents dahil ang pagsuspinde umano rito ay hindi isang kaparusahan kundi isang pamamaraan lamang na ginagawa sa isang tauhan ng gobyerno na iniimbestigahan sa anumang kasong kinasasangkutan nito.
- Latest