9 ‘Yolanda’ victims nasagip sa flesh trade
MANILA, Philippines - Siyam na babaeng biktima ng human trafficking ang nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa 2nd Avenue, Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni NBI-Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) Chief Eric Nuqui, matagal na nilang minamanmanan ang ilegal na operasyon sa lugar kung saan ikinukubli anya ang mga babae sa mga barung-barong bago ibugaw sa mga naka-check in sa kalapit na motel.
Nabatid na pawang mga biktima ng Bagyong Yolanda mula sa Samar ang mga ibinubugaw na babae at apat sa mga nasagip ang sinasabing menor-de-edad.
Lima sa mga itinuturing na mga bugaw ang dinakip ng mga otoridad ang nasa kustodiya ng NBI at inihahanda na ang kasong isasampa sa kanila.
- Latest