Pinoy peacekeepers sa Golan Heights nakikipaggirian sa Syrian rebels
MANILA, Philippines - Handa umanong makipagbakbakan ang AFP peacekeepers sa ilalim ng United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF) sa Syrian rebels kaugnay ng sumiklab na standoff sa pagitan ng dalawang puwersa sa Ar Ruwayhinah at Burayqah sa Golan Heights.
Sinabi ni AFP Spokesman Major Gen. Domingo Tutaan Jr., hindi susuko ang nasa 75 AFP peacekeepers na nasa defense position ang kanilang balwarte laban sa Syrian rebels na pumapalibot sa mga ito.
“Our peacekeeping forces are holding their ground to defend their respective positions, this resulted in a standoff which is still prevailing, a prevailing situation in the disengagement area supervised by the UNDOF, the Phil. government and unofficials are already trying to peacefully resolve the situation”, pahayag ni Tutaan sa press briefing sa Camp Aguinaldo.
Ayon pa kay Tutaan may posibilidad na tumindi pa ang tensyon at lumawak ito bunga na rin ng kapangahasan ng Syrian rebels.
Ayon kay Ancan, nasa 24 oras na ang standoff sa pagitan ng AFP peacekeepers doon at ng naghahasik ng kaguluhang Syrian rebels na masusing minomonitor ng pamahalaan.
Armado ng M14 rifles, M60 light machine guns, cal. 45 pistol at K3 automatic rifles ang Pinoy troops doon.
Nabatid na bandang alas-10:00 ng umaga nitong Agosto 28 (alas-3:00 ng hapon sa Pilipinas) nang sumalakay ang Syrian Anti-Government Armed Elements (AGAEs) at binihag ang 43 Fijian peacekeepers ng UNDOF doon at kasunod ay nag-demand sa AFP contingent na isuko ang kanilang armas na tumanggi sa demand ng mga Syrian rebels.
Sanhi ng insidente ay nagsagawa ng ‘emergency meeting’ sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr. kasama ang mga opisyal ng Defense department at AFP na mino-monitor ang mga kaganapan doon at may mga hakbang ng ginagawa para matapos na ang standoff.
- Latest