^

Police Metro

Rider tinakasan ang police checkpoint, napatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang suspek matapos mabaril ng pulis nang takasan nito ang police checkpoint kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang suspek na nakilala sa pamamagitan ng kanyang driver license ay si Christian Osian, 29, ng Tondo Maynila.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa may kahabaan ng Aurora Blvd., kanto ng Lintang St., nasabing barangay ay naglatag ng checkpoint ang PS10 sa lugar.

Dito ay dumating ang suspek sakay ng isang Yamaha Mio motorcycle at sa halip na huminto ay umiwas ito at humarurot palayo at  nabundol nito si PO1 Michael Formento.

Sa pagkakabangga sa pulis ay sumadsad ang motorsiklo dahilan para lapitan ito ng mga otoridad.

Subalit, hindi pa nakakalapit ang mga otoridad ay tumayo ang suspek at nagbunot ng baril at ak­mang papaputukan ang mga una.

Kaya naman nagbunot ng baril si PO1 Formento at binaril ang suspek at nang tamaan ay agad isinugod sa East Avenue Medical Center, subalit idineklarang dead-on-arrival.   

vuukle comment

AURORA BLVD

CHRISTIAN OSIAN

DITO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LINTANG ST.

MICHAEL FORMENTO

QUEZON CITY

TONDO MAYNILA

YAMAHA MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with