^

Police Metro

PH troops sa Liberia ililikas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ililikas na ang nasa 447 PH contingent ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakadeploy sa Liberia at Golan Heights dahilan sa panganib ng Ebola virus at tumitinding krisis sa Gitnang Silangan.

Ito ang nabatid kahapon kay Dr. Reuben Peter Paul Galvez, spokesman ng Department of National Defense matapos aprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang rekomendasyon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Ayon kay Galvez sa dahilan na gumagrabeng outbreak ng Ebola virus sa Liberia kaya’t sa lalong madaling panahon ay ipu-pullout na ang nasa 115 AFP contingent na nagsasagawa ng peace keeping mission dito.

Aabot naman sa 332 Pinoy peacekeepers na nagsisilbi sa United Nations Disengagement Force (UNDOF) sa Golan Heights ay pauuwiin na rin sa bansa sa pagtatapos ng tour of duty ng mga ito sa darating na Oktubre.

Nabatid na umaabot na sa mahigit 2,000 katao ang nasawi sanhi ng outbreak ng Ebola virus sa ilang mga bansa sa West Africa na kinabibilangan ng Liberia, Sierra Leone at Guinea.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

DR. REUBEN PETER PAUL GALVEZ

EBOLA

GITNANG SILANGAN

GOLAN HEIGHTS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SIERRA LEONE

UNITED NATIONS DISENGAGEMENT FORCE

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with