^

Police Metro

Paslit pinatay, ina nagpakamatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung pinatay muna ng ina ang kanyang 3-anyos na anak na babae bago ito nagpakamatay nang matagpuan ang bangkay ng mga ito sa inupahan nilang pension house kamakalawa sa 11th Street, Bacolod City, Negros Occidental.

Ang mag-ina ay kinilalang sina Lea Cañete, 34; at Hannah Kate Ca­ñete, 3; residente ng Murcia sa lalawigang ito na  nadiskubreng patay dakong alas-12:30 ng tanghali sa Room 20 sa Pension Bacolod & Restaurant sa nasabing lungsod.

 Ayon kay Sr. Inspector Stephen Boniba, hepe ng Station 2 ng Bacolod City Police  bagaman may palatandaang nasawi sa murder-suicide ang mag-ina ay isasailalim  pa ang bangkay ng mga  ito sa otopsya upang mabatid kung walang naganap na foul play.

Bago ang insidente, dakong alas-6:40 noong Huwebes ng gabi ng mag-checkin si Lea kasama ang anak sa nasabing pension house at  dakong alas-12:00 naman ng tanghali nitong Biyernes ay dapat na silang mag-checkout.

Pero, nang katukin ng roomboy na kini­lala lamang sa panga­lang Froilan ay walang sumasagot sa silid kaya’t  napilitan na buksan ng master key ang silid at dito na nadiskubre ang bangkay ng mag-ina.

 Si Hannah Kate ay may laslas sa magka­bilang pulso at nakahiga  sa kama habang ang ina naman nito ay natagpuang nakabigti ng lubid sa leeg na nakatali sa bakal ng kurtina sa shower at may tuwal­yang nakatali rin sa bibig nito.

Narekober  rin ang duguang blade na ginamit sa paglaslas ng pulso ng bata, lubid at tuwalya habang wala namang nakitang suicide note sa loob ng kuwartong tinuluyan ng mag-ina.

Lumilitaw pa sa imbes­tigasyon na nagpaalam ang ginang sa ina nitong si Luz Segovia  na tutungo sa Bacolod City upang kunin ang P3,000 perang padala ng mister nito na nagtratrabaho bilang security guard sa Cavite.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY POLICE

HANNAH KATE CA

INA

LEA CA

LUZ SEGOVIA

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with