^

Police Metro

Parak dedo sa drug bust operation

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang pulis habang tatlo pa ang nasugatan matapos na mauwi sa shootout ang  isinagawang  drug bust operation ng mga awtoridad sa Tagbilaran City, Bohol nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si PO1 Michael John Ijoc, napuruhan sa ulo na naisugod pa sa Ramiro Community Hospital habang ginagamot naman sina PO3 Dudito Jasmin, PO1 Carlito Gamalo at PO1 Reynan Taguntu­ngan. Ang mga biktima ay pawang kasapi ng Provincial Intelligence Unit ng Bohol Provincial Police Office (PPO).

Ayon kay PO2 Herminigildo Gargar, Provincial Tactical Operations Center ng Bohol Police, bandang alas -10 ng umaga ng magsagawa ng drug bust operation ang mga operatiba sa Sitio Ugos, Poblacion ng nasabing lungsod  dahil sa umano’y pot session dito at talamak na bentahan ng iligal na droga.

Gayunman, papasok pa lamang sa lugar ang mga pulis ay agad na itong natunugan ng mga drug addict at tulak ng droga dito.

Kasalukuyang kinakatok ng mga pulis ang itinurong bahay ni Artemio Tare alyas Junjun, may-ari ng bahay na target ng operasyon pero ng pagbuksan ay agad ang mga itong pinagbabaril ng ilan sa mga suspek na armado ng cal. 45 pistol kung saan nagkaroon ng ilang minutong barilan.

Nakatakas naman si Tare  at ilan nitong mga kasamahan na dumaan sa likurang bahagi ng bahay nito matapos na masorpresa ang mga pulis sa insidente habang inaresto naman ang live-in partner nito na si Merlinda Tesurero. Sa ngayon ay masusing pinaghahanap ang mga nakatakas na suspek.

ARTEMIO TARE

BOHOL POLICE

BOHOL PROVINCIAL POLICE OFFICE

CARLITO GAMALO

DUDITO JASMIN

HERMINIGILDO GARGAR

MERLINDA TESURERO

MICHAEL JOHN IJOC

PROVINCIAL INTELLIGENCE UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with