Mag-iina ginising para pagbabarilin
MANILA, Philippines - Kapwa sugatan ang isang mag-iina matapos na sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek na kumatok sa kanilang bahay para makisindi ng sigarilyo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Katamlaman, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ang mag-iina ay kinilalang sina Jehan Laseba Kahar; at dalawa nitong anak na sina Johaira, 11; at Bai Tukol, 7.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang mag-iina nang may tumawag at kumakatok sa kanilang pintuan para umano makisindi ng sigarilyo.
Tumayo ang ginang at ng buksan ang pinto ay bigla na lamang silang pinagbabaril na mag-iina.
Matapos ang pamamaril ay mabilis tumakas ang mga suspek.
Nagkataon na wala ang padre-de-pamilya sa bahay dahil nangingisda .
- Latest