Sasakyan sumabog: 5 sugatan
MANILA, Philippines - Nasugatan ang limang katao kabilang ang isang miyembro ng Philippine Army nang sumabog ang isang bomba na itinanim sa isang nakaparadang Wrangler jeep sa plaza sa Cotabato City kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Private Dondon Asuncion Bambao, 23, kasapi ng Army’s 5th Special Forces Battalion (SFB), mga vendors na sina Lumbay Selbando, Baingan Ango, 45; Mambai Datumanong, 33 at Abdulrakman Utto, 22.
Sa ulat ni Supt. Rolen Balquin, Cotabato City Police Director, dakong alas-8:30 ng gabi nang sumabog ang bomba na itinanim sa nasabing sasakyan na nakaparada sa likuran ng public plaza grandstand sa harapan ng RSY Pawnshop sa Makakua Street, Brgy.Poblacion 5.
Sa imbestigasyon, na ang Improvised Explosive Device ay ikinabit sa nakaparadang Wrangler Jeep (MCF 443) na pag-aari ng driver na si Prof. Ismael Abdula.
Nabatid na kabababa lamang ni Abdula sa kaniyang sasakyan nang mangyari ang pagsabog.
- Latest