Biyenan kinatay ng manugang
MANILA, Philippines - Walang awang pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang manugang ang kanyang biyenan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang kadahilanan kamakalawa ng gabi sa kanilang bahay sa Brgy. Seroan, Katipunan, Zamboanga del Norte.
Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Leonardo Vallacer, 55-anyos.
Kusang loob na sumuko sa pulisya ang suspek na si Nilo Hinotan, 38 bitbit ang gulok na ginamit sa krimen na may habang 18 pulgada.
Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magbiyenan sa hindi pa alam na kadahilanan.
Posibleng napikon ang manugang at kumuha ng itak at pinagtataga ang biyenan hanggang sa ito ay masawi.
- Latest