^

Police Metro

Bagong ebidensya sa overpricing na Makati parking building inihain sa Ombudsman

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na lumutang ang mga bagong ebidensiya na magpapatunay na aabot sa P1.9 bilyon hanggang P2.455 bilyon ang overpricing sa pagpapatayo ng Makati City Hall Parking Building ay naghain kahapon ng “pinalakas” na reklamo ang dalawang residente ng Makati sa Ombudsman laban kay Vice President Jejomar Binay at 23 iba pang opisyales.

Ayon sa complainant na sina Atty. Renato Bondal at Nicolas “Ching” Enciso sa inihain nilang siyam na pahinang suplemento sa kanilang orihinal na plunder complaint laban kay VP Binay, Mayor Junjun “Erwin” Binay, COA Auditor Cecilia Caga-anan at 21 konsehal ng Makati na hindi lang P1.2-bilyon o P1.6-bilyon ang tongpats sa kasong plunder kundi umabot sa P2,711,566,502.50 ang kabuuang budget para sa pagpapatayo ng kontrobersyal na parking building.

Lumutang lamang ang nasabing report ni Caga-anan kay Director Carmelita O. Antasuda ng COA Local Government Sector (National Capital Region).
Batay sa dokumentong inilabas ng una na aabot umano sa P2,455,727,438.50 ang overpricing ng nasabing parking building kung ikukumpara ito sa average price na P8,013 bawat metro kuwadrado noong 2007.

Aabot naman umano ang overpricing sa P2,407,388,446.50 kung ikukumpara sa official average construction cost na P9,527 bawat metro kuwadrado noong 2012.

Pinakamababa nang halaga ng umano’y tongpats ang P1,913,366,502.50 kung  ikukumpara sa average construction cost na P25,000 bawat metro kuwadrado ngayong taon.

Idinagdag pa ni Bondal na kahit na anong taon ikumpara ay lalabas na lolobo ang tongpats mula P1,913,366,502.50 hanggang  P2,455,727,438.50.

 

vuukle comment

AUDITOR CECILIA CAGA

BINAY

DIRECTOR CARMELITA O

LOCAL GOVERNMENT SECTOR

MAKATI

MAKATI CITY HALL PARKING BUILDING

MAYOR JUNJUN

NATIONAL CAPITAL REGION

RENATO BONDAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with