Mayor vs konseho nagbanggaan sa isyu ng sugal
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng banggaan sa isyu ng sugal sa pagitan ng mayor ng Lucban, Quezon at mga miyembro ng konseho tungkol sa paglaganap ng illegal na sugal sa mga kalsada sa pamamagitan ng mga piyesta at festival.
Nabatid na nagpasa ang konseho sa pamumuno ni Vice mayor Ayelah Deveza ng isang resolution no.126-2014 na kumokondena at paghinto sa paglaganap ng illegal na sugal gamit ang pagdiriwang ng mga piyesta at uri ng festival.
Nang ang resolution ay naibigay na kay Mayor Celso Oliver Dator para maaprubahan ito ay ibinasura dahil sa kasama ang mga ito sa Pahiyas Festival at piyesta ng bayan ng Lucban.
Sumagot naman ang kaalyado ni Dator sa konseho at nagpasa ng Kapasiyahan No. 129-2014, na sumasang-ayon sa pagbasura ni Dator kung kaya’t nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng alkalde at local council.
Nagbigay pa umano si Dator ng permit sa umano’y illegal gambling at peryahan sa isang Janine Game and Fun Rides. Nangako naman ang grupo ni Deveza na maglulunsad sila ng public awareness laban sa epekto ng paglaganap ng sugal sa kanilang bayan.
- Latest