P-Noy, nag-selfie move sa constitution
MANILA, Philippines - Ang umano’y pagnanais ni Pangulong Aquino na amyendahan ang 1987 constitution para alisin ang term limit ng Pangulo at bawasan ang kapangyarihan ng Supreme Court ay itinuturing na isang “selfie move” o “selfie motive”.
Ito ang tingin ni Malaybalay Bukidnon Bishop Jose Cabantan kaya’t hindi karapat-dapat na magkaroon ng charter change para lamang sa karagdagang termino ng Pangulong Aquino lalo pa’t bahagi ng legacy ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino ito upang maiwasan ang diktaduryang pamumuno sa Pilipinas.
Anya, bukod sa selfie motive, lumilitaw din ang ugaling diktador ng Pangulong Aquino sa pagsusulong na i-extend ang termino na matatapos sa 2016.
Kinondena rin ni Bishop Cabantan ang pagsusulong ng administration na amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas para alisin ang judicial power to review ng Korte Suprema dahil walang makakapigil sa executive branch sa bawat naisin kahit labag sa batas.
- Latest