SALN ng mga mahistrado ilalabas na
MANILA, Philippines - Sa Lunes (Agosto 18) ay nakatakda nang ilabas ng Korte Suprema ang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ng mga mahistrado.
Ito ang inihayag ni Supreme Court-Public Information Office (SC-PIO) chief Atty. Theodore Te, bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Benigno S. Aquino III na maghain ng kani-kanilang SALN ang mga mahistrado at isapubliko.
Ayon pa kay Te na makakakuha ng kopya ang mga miyembro ng media at civil society na nagsasapubliko ng nilalaman nito.
Magugunita na kamakailan ay inihayag ng Pangulo na siya ay bukas sa pag-amyenda sa Saligang Batas para malimitahan ang kapangyarihan ng Korte Suprema.
Ilang ulit na ring hayagang pinupuntirya ni Pangulong Aquino ang Korte Suprema matapos ideklara nito na labag sa Konstitusyon ang ilang bahagi ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).
- Latest