^

Police Metro

Ipinagpalit ng nobya... bigo sa pag-ibig lumundag sa kamatayan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Iniwan niya ako ng walang dahilan at natuklasan ko na mayroon na pala siyang ibang mi­namahal”.

“Well to all my friends and family, thank you for all the support and gui­dance, I’m so sorry if I fail you guys for just a girl... Well thank you for all the support and everything. To my papa and mama, sorry if I fail you because of just one girl...,  hindi man siya ang babaeng nararapat sa akin, sobra ko siyang mahal at hindi ko matatanggap kung iiwan niya ako”.

Ito ang iniwang suicide note ng biktimang si Ernie Antigua Jr., 25-an­yos, call center agent at residente ng Quano St., Brgy. Looc, Mandaue City, Cebu.

Namatay noon din ang biktima matapos na malasog ang buto’t katawan nito.

Batay sa ulat, pasado alas-11:00 ng gabi nang tumalon umano ang biktima mula sa ika-12 palapag ng IT2 Building, IT Park ng lungsod.

Bago ito ay nakita pa ang biktima na umakyat sa roof deck ng nasabing gusali at laking gulat ng mga staff dito nang bigla na lamang itong tumalon.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga otoridad kung may nangya­ring foul play.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CEBU

ERNIE ANTIGUA JR.

INIWAN

LOOC

MANDAUE CITY

QUANO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with