^

Police Metro

Palparan ayaw sa Bulacan Provincial Jail

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nagpalabas na ng commitment order ang Bulacan Regional Trial Court para sa pag­lipat ng kulungan ni dating Major Gen. Jovito Palparan ay humiling naman ito sa korte na payagan ang kanyang pananatili sa National Bureau of Investigation (NBI) detention cell.

Batay sa urgent ex-parte motion to stay detention, hiniling ni Palparan  kay Judge Teodora Gonzalez ng Malolos RTC Branch 14 na irekonsidera ang paglilipat dahil sa isyu ng seguridad.

Nakasaad sa kanyang  mosyon na may intel reports na hawak ang mga sundalo na nagsasabing bumuo na ang New People’s Army ng liquidation squad na nagbabalak pumatay kay Palparan kaya kailangang matiyak ang kaligtasan nito.

Una nang sinabi ng NBI na hindi magiging madali ang paglilipat sa retiradong sundalo dahil malayo ang Bulacan at lantad ito sa anumang posibleng hakbang ng mga kalaban nito.

Si Palparan ay nahaharap sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng UP students Sherlyn Cadapan and Karen Empeño noong 2006.

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT

JOVITO PALPARAN

MAJOR GEN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW PEOPLE

PALPARAN

SHERLYN CADAPAN AND KAREN EMPE

SI PALPARAN

TEODORA GONZALEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with