^

Police Metro

Karambola ng sasakyan: 3 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong katao kabilang ang mag-lover habang tatlo ang grabeng nasugatan matapos na magkarambola ang tatlong sasakyan kahapon ng hapon sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Namatay noon din sa lugar ng insidente ang mga biktimang sina Dory de Leon, na nahati ang katawan at live-in partner nito na si Galileo Caladiao, 47-anyos, driver ng motorsiklong Yamaha Mio matapos na pumailalim sa truck at Victoria Cortez, 55 na nasawi sa loob ng kanyang bahay matapos na araruhin ng truck.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Binmaley Police, bago nangyari ang aksidente dakong alas-5:30 ng hapon ay mag-overtake umano ang Isuzu Canter truck (XSH-549)  na minamaneho ni Gilbert Catalan, 29 sa motorsiklong minamaneho ni Caladiao.

Sa bilis ng takbo ay nakabanggaan naman nito ang dump truck (SKH-741) na minamaneho ni Jaime de Guzman, 47  sa kahabaan ng Mac Arthur highway, Brgy. Gayaman, Binmaley.

Sa lakas nang salpukan ay nahagip pa ng dump truck ang motorsiklong sinasakyan ni Caladiao na kaangkas ang live-in partner nitong si De Leon na pumailalim sa dump truck at nakaladkad.

Naisugod naman sa pagamutan ang  nasugatang driver ng Isuzu Canter truck at pahinante nitong si Ronnie Mararac na patuloy na nilalapatan ng lunas.

Nahirapan ang mga rescuer na alisin ang mag-lover sa pagkakaipit sa dump truck.

vuukle comment

BINMALEY

BINMALEY POLICE

CALADIAO

DE LEON

GALILEO CALADIAO

GILBERT CATALAN

ISUZU CANTER

MAC ARTHUR

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with