^

Police Metro

Libel case ni Hagedorn, inalmahan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inalmahan at itinuring na harassment ni Atty.Berteni ‘Toto’ Causing ang isinampang libelo sa kanya ni dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn matapos nitong ihayag sa isang panayam sa radio ang hindi nito pagdedeklara ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nito na umaabot sa 59 real properties.

Kamakailan ay nagpalabas na ng warrant of arrest ang Puerto Princesa RTC laban kay Causing, kasalukuyang presidente ng Alab ng Mamamahayag (ALAM), subalit agad itong nagpiyansa sa tulong ng mga kaibigan upang makaiwas na  masuong sa isang mapanganib na sitwasyon kung makukulong sa naturang lungsod.

Magugunitang minasama at nagalit si Hagedorn sa mga isinagot ni Causing sa mga tanong ng isang broadcaster na nag-interview sa kanya gayung ang lahat ng isinagot nito ay base sa complaint-affidavit, supplemental complaint-affidavit, second supplemental complaint-affidavit at reply-affidavit na isinumite sa Office of the Ombudsman.

Ikinagulat ni Causing ang desisyon ng Office of the City Prosecutor at investigating prosecutor ng Palawan na libelous ang nasabing sagot dahil gusto umano niyang palabasin na hindi kayang ipaliwanag ni Hagedorn ang kanyang mga ari-arian.

Anya, nasa batas na lahat ng opisyal ng gobyerno ay dapat magdeklara ng SALN at katunayan ay may nakasuhan, nakukulong at natatanggal sa puwesto dahil sa hindi pagdedeklara ng kanilang SALN na nangyari kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na na-impeach noong May 29, 2012 dahil sa pagkabigong ibunyag sa publiko ang kanyang  SALN.

ALAB

ANYA

HAGEDORN

LIABILITIES AND NET WORTH

OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA MAYOR EDWARD HAGEDORN

STATEMENT OF ASSETS

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with