^

Police Metro

P-Noy hindi nababahala... Pagdinig sa impeachment umpisa na

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiwala si Pangulong Benigno S. Aquino na hindi magtatagumpay ang anumang impeachment complaint na isinampa laban dito.

Ito ang inihayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa pagsisimula ng pagdinig ng impeachment complaint laban dito sa Kamara.

“Hindi po nababahala ang Pangulo doon sa mga proceedings na ‘yan dahil panatag naman po siya na wala siyang nagawang anumang impeachable offense,” wika pa ni Coloma.

Aniya, mas makaka­buting hintayin na lamang ang proseso sa Kamara na siyang inatasan ng Kons­titusyon na duminig sa impeachment complaint.

Meron pong sinusunod na patakaran hinggil diyan at meron pong proseso ang ating Kamara sa pagturing sa ganyang mga usapin. Mas mainam po siguro na hintayin na lang natin ang iba pang mga kaganapang maaa­ring maganap hinggil diyan dahil iginagalang po ng ehekutibo ‘yung pagiging hiwalay at kapantay na sangay ng pamahalaan ng ating Kongreso o batasan,” dagdag pa ni Coloma.

Ipinaalala rin ng Pa­las­yo na huwag kalimutan ng mga mambabatas na bigyan ng prayoridad ang mga mahahalagang panukala partikular ang nakahaing 2015 budget.

“Malinaw namang nakasaad ‘yung mga prayo­ridad ng pamahalaan. At katulad ng iniulat natin dito sa ating programa, nakipagpulong na si Exe­cutive Secretary Paquito Ochoa, Jr. sa mga lider ng Kongreso kung saan ay ipinaalam niya ‘yung mga priority legislative measures ng ating pamahalaan, unang-una na nga diyan ‘yung pambansang budget para sa 2015 at ‘yung ihahain na Bangsamoro Basic Law, at ‘yun pang ibang mga priority measures na naunang inilahad na natin sa ating palatuntunan,” dagdag pa ng PCOO chief.

BANGSAMORO BASIC LAW

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

KAMARA

KONGRESO

PANGULONG BENIGNO S

SECRETARY PAQUITO OCHOA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with