Ex-Olongapo mayor tinawag na harrassment ang kasong graft
MANILA, Philippines - Naging maaga ang batuhan ng putik ng dalawang pulitiko sa Olongapo City matapos ihayag ni dating City Mayor James “Bong” Gordon na isang paninira at pawang harassment lamang ang mga umano’y isyung ibinabato sa kanya ng kasalukuyang Mayor Rolen Paulino nang magpalabas umano ng ulat ang kampo na sinampahan nila ang una ng mga kaso sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Gordon, nagpapakalat lamang ng maling impormasyon si Paulino upang sirain ang kanyang reputasyon at ito marahil ay bahagi ng maagang pamumulitika.
Sa isyu ng mga ghost delivery ng mga pinamiling gamit ng city government, ipinahayag ni Gordon na ang lahat ng dumaan sa kanyang opisina ay na-endorso ng iba’t ibang departamento at tungkol sa pagbebenta umano ng mga pag-aaring lupa ng lokal na pamahalaan sa OEDC, ay wala umanong ilegal sa mga transaksyong ito dahil ang lahat ng ito ay dokumentado at may resibo ang treasury office ng city hall.
Nakahanda si Gordon na ilabas lahat ng kanyang ebidensya upang patunayang walang basehan ang lahat ng mga bintang laban sa kanya.
- Latest