Utang ng Pinas lalampas ng P6 trilyon
MANILA, Philippines - Tila aabot na sa alapaap ang utang na kakaharapin ng Pilipinas matapos na makumpirma na lalampas na sa P6 trilyon ang kabuuang utang nito hanggang sa susunod na taon.
Sa ginanap na budget hearing sa Kamara, kinumpirma ni Finance Secretary Cesar Purisima na aabot sa P6,596 trilyon ang projected total borrowings sa susunod na taon.
Ito ay dahil mangungutang ang bansa ng mahigit P700 bilyon para tustusan ang P283 bilyon budget deficit at ang maturing obligations ng gobyerno.
Kinuwestiyon naman ng grupong Bayan Muna ang gawain ng gobyerno na mangutang nang mangutang gayung mayroon namang savings o unused funds ang gobyerno.
Paliwanag naman ni Budget Secretary Butch Abad, hindi pa nila masasabi sa ngayong kung magkakaroon ng savings ang gobyerno sa susunod na taon at tiniyak na hindi naman ilulubog ng administrasyong Aquino ang bansa sa utang.
Sa ngayon ay nasa P5.9 trilyon na umano ang outstanding debt ng bansa hanggang sa pagtatapos ng 2014.
- Latest