^

Police Metro

Patay at sanggol pasok sa ‘pork’ ni Jinggoy

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mga patay at sanggol umano ang ilan lamang sa benepisyaryo ng mga proyekto na pinondohan ng  Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Senator Jinggoy Estrada.

Ito ang inihayag ni Atty. Vic Escalante- graft-investigating at prosecu­ting officer ng tanggapan ng Ombudsman  sa  isinagawang bail hearing ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder at graft ni Estrada na  may kinalaman sa pork scam.

Sinabi ni Escalante, wala ni isa mang local officials at benepisyaryo ng mga probinsiya ang nakinabang sa mga proyekto ni Estrada mula sa kanyang pork barrel.

Ayon kay Escalante na ang kanyang pahayag ay resulta ng isinagawa nilang field interview at pagberepika sa mga sinasabing benepisyaryo ng proyekto ni Estrada mula June hanggang July 2013 sa mga lugar ng  Umingan, Panga­sinan; Mabitac, Laguna; Agusan del Norte; Surigao del Sur; Carascal; San Agustin; Prosperidad; San Luis; Espe­ranza at Zamboanga.

Ang mga nakausap nila ay mga local officials at agriculturists ay nagsabing hindi nakinabang sa PDAF ni Estrada.

AGUSAN

AYON

ESCALANTE

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SAN AGUSTIN

SAN LUIS

SENATOR JINGGOY ESTRADA

VIC ESCALANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with