Palasyo nanawagan sa mga OFWs sa Libya
MANILA, Philippines - Huwag maging matigas ang ulo at sumunod sa panawagan ng gobyerno para sa kanilang kaligtasan sa gitna na rin ng kaguluhan sa Libya.
Ito ang naging panawagan ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., sa mga OFW’s na nasa Libya at hinihimok na makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas na nasa Tripoli kaya’t isinasapubliko ‘yung mga telephone number.
Nakatanggap din po kasi kami ng mga pakiusap mula sa mga kamag-anak ng ating mga kababayan doon na hindi na raw makontak ‘yung kanilang mga kaanak, at siguro nga po dahil sa lumulubhang sitwasyon, kaya’t mas mabuti po talaga na sa lalong madaling panahon ay makipag-ugnayan sila sa ating embahada,” wika pa ni Sec. Coloma sa media briefing kahapon.
“At ‘yon namang mga hindi makakontak, kontakin po ‘yung mga contact number ng DFA na binigay natin kanina lang at ibigay ‘yung detalye tungkol sa contact details ng kanilang mga kamag-anak, at sisikapin pong matagpuan sila para mailikas sa lalong madaling panahon,” dagdag pa ni Coloma.
- Latest