^

Police Metro

Rating ni P-Noy bagsak uli

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay bumagsak ng 14 percent ang approval rating ni Pangulong Benigno S. Aquino III na epekto din ng naging desisyon ng Disbursement Acce­leration Program (DAP) ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional ito.

Nakakuha na lamang ng 56 percent mula sa da­ting 70 percent approval rating si Pangulong Aquino sa Pulse Asia survey nitong June 24-July 2 sa 1,200 respondents.

Maging ang trust ra­ting ni P-Noy ay lumagapak din sa 53 percent mula sa dating 69 percent trust rating nito.

Maging si Vice President Jejomar Binay ay bumaba din ang approval at trust rating sa pinakahuling survey ng Pulse Asia gayundin sina Senate President Franklin Drilon at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Bagama’t bumagsak ang approval rating ng Pangulo ay itinuturing pa rin ng Malacañang na mataas ito dahil mahigit 50 percent pa din ang nagtitiwala kay P-Noy.

CHIEF JUSTICE MA

DISBURSEMENT ACCE

KORTE SUPREMA

LOURDES SERENO

P-NOY

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO S

PULSE ASIA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with