^

Police Metro

Dinukot sa kasagsagan ng evacuation... Pinay nurse sa Libya na-gang rape

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kasagsagan ng isinasagawang mandatory evacuation ng pamahalaan sa libu-libong Pinoy sa Libya ay dinukot at hinalay ng mga kabataang Libyans ang isang Pinay nurse.

Ayon sa ulat ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, tinangay ng 6 kabataang Libyans ang Pinay noong Miyerkules (oras sa Tripoli, Libya) sa tapat ng kanyang tirahan at dinala sa hindi malamang lugar.

Pagkalipas ng dalawang oras na halinhinang panghahalay  ng anim ay pinakawalan ang Pinay.
Dinala ng consular team ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli ang nasabing Pinay sa ospital para sa medical check-up matapos ang insidente at kasalukuyang nasa pa­ngangalaga na Embahada.

Magugunita na noong Hulyo 15 ay isang Pinoy construction worker ang dinukot at saka pinatay ng mga armadong Libyan sa kasagsagan ng bakbakan sa Benghazi noong Hulyo 19.
Habang isinasagawa ang negosasyon sa pagpapalaya sa nasabing Pinoy ay  pinugutan ito ng mga abductors na humihingi ng ransom. Natagpuan na lamang ang bangkay nito sa isang ospital sa Benghazi bago pa maibigay ng kanyang employer ang ransom money.

Kaya’t itinaas ng DFA sa crisis alert level 4 o mandatory eva­cuation noong Hulyo 20 para sa seguridad ng mga Pinoy sa Libya kasunod din ng pag-atake at pa-bomba ng mga militante sa Tripoli International Airport sanhi upang magsara ito sa pagpapatuloy ng sagupaan sa pagitan ng Libyan security forces at armadong mga rebelde.

 

AYON

BENGHAZI

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

HULYO

PINAY

PINOY

SPOKESMAN CHARLES JOSE

TRIPOLI INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with