Number coding suspendido ngayon
MANILA, Philippines - Ipinatupad ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila dulot na rin sa paggunita ng Eid’l Fiter na ideklaradong holiday.
Kaya’t ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 3 at 4 ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Sa ilalim ng number coding scheme, ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal bumiyahe sa araw ng Lunes; 3 at 4 sa araw ng Martes; 5 at 6 sa araw ng Miyerkules ; 7 at 8 sa Huwebes at 9 at 0 sa araw ng Biyernes.
- Latest