25,000 pamilyang iskwater sa MM binigyan ng relokasyon
MANILA, Philippines - Nasa kabuuang 25,000 pamilyang naninirahan sa mga estero at iba pang mga delikadong lugar sa mga slum areas sa Metro Manila ang nasagip sa peligro ng panganib nang bigyan sila ng relocation sites ng pamahalaan.
Nangunguna sa paglilikas ng mga pamilyang naninirahan sa mga slum areas o sa mga danger zones sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila sa programang “Oplan Likas’ o ang Lumikas para Ligtas sa Kalamidad at Sakit na pinangungunahan ng DILG.
Nasa 200 pamilyang iskwater ang target na ilikas ng gobyerno kada linggo mula sa mga danger zones kung saan ay nagbigay ng relokasyon ang gobyerno sa mga kanugnog na lalawigan tulad ng Cavite, Batangas at Laguna para makapagsimula ng panibagong buhay.
- Latest