^

Police Metro

OFWs pinagbawalan na magpunta sa Gaza

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at Palestine’s Hamas na kasalukuyan ay nasa 700 katao na ang namamatay ay ipinatupad ng pamahalaan ang total deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Gaza.

Nagpalabas ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ng Resolution No. 18, hinggil sa total deployment ban kasunod na rin nang pagtataas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Crisis Alert Level 4 sa Gaza Strip na nangangahulugan ng mandatory repatriation.

Sa nasabing resolus­yon, inatasan ng POEA ang Department of Labor and Employment Quick Response Team upang makipag-ugnayan sa DFA para sa agaran at ligtas na pagpapauwi sa bansa ng mga OFW sa naturang lugar.

Sa pamamagitan naman ng Resolutions No. 19 at 20 ay nagpatupad ang POEA ng partial ban sa pagpapadala ng mga bagong OFWs
sa West Bank at Israel dahil sa lumalalang tensiyon sa mga naturang lugar.

Tugon ito sa kautusan ng DFA na nagtaas ng Crisis Alert Level 2 doon o restriction phase. Pinapayagan naman ang pagproseso at deployment ng mga returning OFWs na mayroong exis­ting employment contracts sa naturang mga lugar.

CRISIS ALERT LEVEL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT QUICK RESPONSE TEAM

GAZA STRIP

GOVERNING BOARD

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

RESOLUTION NO

RESOLUTIONS NO

WEST BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with