^

Police Metro

Abad pinagpapaliwanag sa nawawalang P90-B savings

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinihingan ng paliwanag nina Senators Nancy Binay at Grace Poe si Budget Secretary Flo­rencio Abad kung saan napunta ang nawawalang P90 bilyong savings mula sa pinagsama-samang P237 bilyong pondo na naipon para sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Binay bagaman at nalusutan ni Abad ang ginawang paggisa sa kanya ng Senate Committee on Finance kaugnay sa pondo ng DAP hindi nangangahulugan na nakalusot na talaga ito.

Anya, dapat ay may­roong managot sa nawawalang P90 bilyong savings ng gobyerno at dapat rin ipaliwanag ni Abad kung saan napunta ang pondo na inilaan para sa DAP.

Ayon naman kay Poe na hindi lamang ang DAP ang dapat i-account ng DBM kung hindi maging ang regular savings na nakukuha mula sa Ge­neral Appropriations Act (GAA).

Umabot sa P237 bilyon ang pinagsama-samang savings ng gobyerno mula 2010 pero P167 billyon lamang ang napunta sa DAP.

Natuklasan rin sa hearing na isinagawa noong Huwebes na bagaman at P157 bilyon ang inapruhan ng gobyerno para sa mga panukalang proyekto sa ilalim ng DAP nasa P144.3 bilyon lamang ang naipalabas.

ABAD

ANYA

APPROPRIATIONS ACT

AYON

BUDGET SECRETARY FLO

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GRACE POE

SENATE COMMITTEE

SENATORS NANCY BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with